PROCEDURE

  1. Timplahan ang patis at paminta ang manok. Then, marinate for 1 hour.
  2. Sa isang kawali, iprito ng bahagya ang carrot at patatas hanggang maglight brown. Pag okay na, set aside. Iprito rin ng bahagya (1 minute) ang bellpepper para lumabas ang flavor. Set aside.
  3. Saka igisa ang bawang at sibuyas hanggang bumango. Then ilagay na ang manok. Isangkutsa hanggang mag-iba ang kulay nito. Pag di na siya pink, ilagay ang syrup ng pineapple chunks. Takpan at lutuin ng 15 to 20 minutes using medium heat.
  4. After 15 minutes, ilagay ang ang patatas at carrot. Lutuin for another 5 minutes para maluto ang gulay.
  5. After 5 minutes, ilagay na ang bellpepper, pineapple chunks at evaporated milk. Hinaan ang apoy at lutuin ng ilang minuto hanggang sa lumapot ang sauce. Tikman din ang sauce at lagyan pa ng asin or patis kung kailangan.
  6. Pag malapot na ang sauce, luto na! enjoy!